Ngayun alam na natin ang storm surge "tsunami-like catastrophy" siguro naman mas handa na tayo next time. Kung nanonood kayo ng Preppers siguro masasabi na natin na hindi pala "loko-loko" yung mga preppers. Mga wa-is pala sila...kung iisipin mo talaga.
After Yolanda there was no law and order in those areas. From news reports nakita natin: looting (kahit flat screen at fridge ninakaw na), pamamasok sa mga bahay dahil gutom na mga tao, and in a rare instance there was a report about rape.
Pwede din po ito mangyari sa Metro Manila, sad to say. Pero ngayun handa na tayo.
Alam na natin ang gagawin sa susunod, gaya ng:
The Magic 7
1. Maghanda ng at least 5 gallon ng tubig.
2. Mag tago na ng maraming bigas.
3. Mag tago ng mga delata
4. Mag tago na ng maraming biskwit.
5. Flashlight, candila at lighter.
6. FM/AM trasistor radio na hindi pa hihigit sa P150
7. Batteries.
Eto ang mga essentials na kailangan merong naka stock sa bahay ninyo pag maybagyo. Aabot ito ng 3 hanggang 5 araw. By then meron ng relief efforts within that span of time.
Take note magsara ng mabuti ng bahay after ng bagyo. May mga taong masasama talaga ang hangarin kaya mas mabuti pa na mag ingat kaysa masaktan.
Kung meron pa kayong maidagdag sa essentials pls feel free. Tayo tayo din ang mag bebenefit dito.
Tuesday, November 19, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment